Last Updated on June 9, 2020 by Marie Bautista
SAKOP NG PROGRAMA AT KWALIPIKASYON
Read✅: Frequently Asked Questions on the SAP (Social Amelioration Program) here
Read✅ : Important Links and FAQs About the SBWS Program
1. Sino ang maaaring mag-apply at mag-avail sa SBWS Program?
Ang mga maaaring mag-apply at magavail sa programang ito ay ang mga apektadong maliliit na negosyo at ang kanilang mga empleyado na hindi nakapagtrabaho at hindi nasuwelduhan ngayong panahon dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).
2. Anong kwalipikasyon ng mga small business upang makasama sa SBWS Program?
Para sa mga small business:
- Maaaring corporation, partnership, o sole proprietorship, maliban sa mga nasa listahan ng Large Taxpayer Service (LTS) ng Bureau of Internal Revenue; at
- Kabilang sa alinman sa mga sumusunod:
a. Category A (non-essentials) o mga small businesses na kinailangang magsara pansamantala o magsuspinde ng trabaho dahil sa
ECQ;
b. Category B (quasi-essentials) o mga negosyong pinayagang magoperate ng skeleton force, para sa mga empleyadong hindi nakapagtrabaho at hindi nabayaran dahil sa ECQ
Maaari ring mag-apply ang small businesses sa mga lugar bukod sa Luzon kung saan nag-impose ng quarantine ang local government
unit (LGUs). Bibigyan naman ng prayoridad ang
mga small business na:
Rehistrado sa BIR at aktibong sumusunod sa kanilang tax obligations sa huling tatlong taon hanggang January 2020; at Rehistrado sa SSS at nakapagbayad ng kahit isang buwang SSS contribution sa huling tatlong taon.
3. Ano ang mga kondisyon sa mga empleyado upang maging kwalipikado sila sa SBWS?
Eligible ang mga empleyadong pasok sa lahat ng sumusunod na batayan:
- Nagtatrabaho sa isang eligible small business, batay sa criteria sa ibabaw;
- Aktibong empleyado ng nasabing negosyo as of March 1, 2020 ngunit hindi nakatanggap ng sweldo ng dalawang linggo o higit pa, dahil sa pansamantalang pagsara o pagsuspinde ng trabaho ng negosyo alinsunod sa Labor Advisory No. 1, Series of 2020;
- Ang empleyado ay maaaring may kahit anong contract status (regular, probationary, regular seasonal, project-based, fixed-term, etc.);
- Sa kanilang application, kinakailangan ang sertipikasyon mula sa employer na nagsasabing pasok ang empleyado sa criteria na nabanggit.
Ang mga empleyadong nakatanggap ng ayuda mula sa DOLE CAMP ay maaari ring tumanggap ng ayuda, pero sila ay eligible lamang para sa first tranche ng SBWS (mula May 1 hanggang 15, 2020)
4. Ano ang iba pang kundisyon para sa mga employer at empleyado sa ilalim ng programa?
Ang mga eligible na employers at empleyado ay dapat sumunod sa mga kondisyong ito:
1. Kailangang panatilihin ng mga employers ang employment status ng lahat ng eligible employees bago ang implementasyon ng ECQ at hanggang matapos ang SBWS period. Ito ay susuriin sa monitoring at evaluation stage ng programa. Ang hindi pagsunod sa kondisyong
ito ay magreresulta sa pagrefund ng employer ng wage subsidy amount sa gobyerno.
2. Ang empleyado ay hindi maaaring magresign sa ECQ period.
5. Para sa mga empleyado na may iba’t ibang employers, sino sa mga ito ang nararapat na mag-apply ng kanyang SBWS?
Ang pangalan ng empleyado ay isasama sa listahan ng employer na huling nagsumite sa SSS ng record ng pagbabayad hanggang sa buwan ng
Enero 2020.
6. Kailan maaaring magpasa ng aplikasyon?
Mula Abril 16 hanggang Mayo 8, 2020 lamang and application period. Hindi na magtatanggap ng mga aplikasyon kung lampas na sa itinakdang petsa.
HALAGA AT PARAAN NG PAGTANGGAP NG SUBSIDIYA
7. Magkano ang matatanggap na wage subsidy?
P5,000 hanggang P8,000 kada buwan (depende sa rehiyong kinabibilangan) sa loob ng dalawang buwan, depende kung hanggang kailan ang ECQ period.
8. Pare-pareho ba ang halaga ng wage subsidy na matatanggap sa buong bansa?
Para sa NCR, Regions III at IV-A, P8,000 ang tatanggapin ng mga kwalipikadong empleyado. Mababago ito depende sa kaukulang budget subsidy ng bawat rehiyon.
PROSESO NG PAG-APPLY
9. Ano ang dapat gawin ng may-ari ng kumpanya upang makapag-avail ng SBWS?
Upang malaman ng small business owner kung ang negosyo niya ay qualified sa SBWS, maaaring tumungo sa BIR website (www.bir.gov.ph) at tignan ang SBWS status sa pamamagitan ng pag-fill up ng TIN ng negosyo sa Search bar. Kapag kwalipikado ang small business, ipapakita ang Pass Code nito. Maingat itong kopyahin. Maari nang pumunta sa SSS website matapos nito.
Bukod dito, makatatanggap din ng notipikasyon galing sa BIR na nagtataglay ng Pass Code Number. Kapag natanggap na ang notipikasyon,
maaari nang mag-apply online ang employers gamit ang kanilang My.SSS Employer Account sa SSS website
Employers ang magdedesisyon kung sino ang kwalipikadong empleyado base sa itinakdang alituntunin ng programa. Kinakailangan ang mga
sumusunod:
a. May-ari ng negosyo: Pangalan, TIN at SSS number
b. Empleyado: Pangalan, TIN at SSS number
c. Sertipikong nagpapatunay sa status ng trabaho ng kumpanya at mga empleyado nito
d. Kasulatan na nagpapatunay na payag ang mga empleyado na ipasa ng kanilang kumpanya sa SSS ang kanilang mga impormasyon.
10. Ano ang dapat gawin ng empleyado upang makapag-avail ng SBWS?
Ang mga kwalipikadong empleyado ay dapat:
1. May sariling My.SSS account; at
2. Naka-enroll ang kanyang bank account details sa Bank Enrollment Module (BEM) na matatagpuan sa kanyang My.SSS account sa SSS
website.
Maaari niyang i-enroll ang kanyang payroll account basta ang bangko ay kasama sa listahan ng PESONetaccredited banks.
11. Paano kung ang empleyado ay walang bank account?
Ipagbibigay-alam ng SSS sa employer ang mga empleyadong walang bank accounts upang mapaalalahanan nila na kinakailangang magbukas ang empleyado ng bank account at i-enroll ito sa kanyang My.SSS account.
Kung ang empleyado ay walang My.SSS account, kinakailangan muna nitong mag-rehistro sa SSS online.
Ang isa pang opsyon ay magbukas angempleyado ng e-wallet account sa PayMaya at i-enroll ito sa kanyang My.SSS Account.
12. Paano malalaman ng employer kung status ng kanilang aplikasyon?
Maaaring subaybayan ng employer ang estado ng aplikasyon sa SBWS module at makikita ito sa “Confimed” Tab.
13. Paano kung ang employer ay hindi nakapag-apply dahil sa system downtime?
Ang employer na hindi nakapag-file dahil sa system downtime ay maaring maghain ng apela sa SBWSQueries@sss.gov.ph. Ang email na matatanggap ay ifo-forward sa SBWS Appeals Task Force para madesisyunan.
PARAAN NG PAGBABAYAD/ DISTRIBUSYON NG SUBSIDIYA
14. Ano ang mga paraan ng pagbabayad o distribusyon ng subsidya?
Ang pag-credit ng subsidy sa account ng mga empleyado ay gagawin sa alinman sa mga sumusunod na paraan:
- SSS UMID cards na naka-enroll bilang ATM
- PESONet accredited-banks
- Union Bank Quick Card (in partnership with SSS)
- E-wallets tulad ng PayMaya
- Cash pick-up sa pamamagitan ngremittance partners
15. Para sa mga empleyadong mayroong higit sa isang bank account na enrolled sa BEM, sa aling bank account ike-credit ng SSS ang kanyang subsidy?
Ang unang enrolled bank account ang gagamitin ng SSS para sa pag-credit ng subsidiya.
Sa panahon ng implementasyon ng SBWS Program, pinapayuhan ang mga empleyado na kung maaari ay ideactivate muna ang ibang bank
accounts mula sa kanilang enrolled accounts sa BEM.
16. Paano magbukas ng e-wallet account sa PayMaya?
- Pumunta sa PayMaya website o magdownload ng PayMaya App
- Ipasok ang mga hinihinging personal information
- I-click ang “Agree”
- Hintayin ang verification SMS/text message na ipapadala sa inyong nakarehistrong mobile number
- Ipasok ang verification code sa app
- I-click ang “Proceed”
(Para karagdagang detalye, pumunta sa https://www.paymaya.com/quickguide/create-account)
17. Paano malalaman ng empleyado kung ang subsidy ay nai-deposito na sa kanyang account?
Ipagbibigay-alam ito ng SSS sa empleyado sa pamamagitan ng SMS (text blast) at e-mail kapag naideposito na ito sa kanyang bank account o e-wallet, o kung maaari na niya itong i-pickup sa remittance partner agency.
MGA POSIBLENG ISYU O PROBLEMA
18. Saan maaaring magsampa ng reklamo o hinaing ang employers/ employees kung sa tingin nila na dapat ay kwalipikado sila sa SBWS, ngunit hindi sila naisama ng BIR?
Maaaring mag-email sa BIR sa SBWS_BIRquery@bir.gov.ph
Siguraduhing nakalakip sa email ang mga sumusunod:
- TIN ng Kumpanya/Employer
- Rehistradong Pangalan ng Kumpanya/Employer Revenue District Office (RDO) Number
- Mensahe
19. Paano malalaman ng empleyado kung nag apply ang kanyang employer ng SBWS at paano kung ayaw ng kanyang employer mag-apply o
namimili lang ito ng empleyadong iaapply?
Kailangang sumangguni ng empleyado sa kanyang employer mismo dahil ito lang ang puedeng pumasok sa SBWS module ng SSS.
Kung ayaw mag-apply ng employer sa SBWS o namimili lang ito ng mga empleyadong iaapply, maaaring magsampa ng reklamo ang empleyado sa pamamagitan ng pag-email sa SBWSQueries@sss.gov.ph.
20. Paano kung ang empleyado ay hindi pa nai-report sa SSS ng kanyang employer bago nagsimula ang ECQ?
Maaaring magsampa ng reklamo ang empleyado sa pamamagitan ng pagemail sa SBWSQueries@sss.gov.ph.
Ang mga email na matatanggap ay ifoforward sa SBWS Appeals Task Force para madesisyunan.
21. Kung sakaling abutan ng pagkamatay ang miyembro na naiapply ng kanyang employer sa SBWS, makukuha ba ng kanyang tagapagmana ang subsidy?
Hindi makukuha ng kanyang tagapagmana ang subsidy sapagka’t wala sa alituntunin ng SBWS Program ang paglilipat ito sa ibang tao. Maaari na lang mag-apply ng SSS Funeral at Death benefits ang mga benepisyaryo ng namatay na miyembro.