Last Updated on April 17, 2021 by Marie Bautista
DETALYE NG PROGRAMA
1. Bakit ang Social Amelioration Program (SAP)?
Dahil sa seryosong banta ng COVID 19 sa kalusugan, kaligtasan, seguridad at buhay ng mga mamamayan, ang pamahalaan ay nagpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) para mapagaan kung di man kayang sugpuin ang paglaganap ng COVID-19. Ang ECQ ay nagdulot ng di magandang epekto sa hanapbuhay at kasiraan sa mga aktibidad ng ekonimiya. Upang makabangon ang ating bansa sa pandemic na ito, kailangan and bayanihan o pagtutulungan ng bawat isa. Ang pamahalaan at mga pribadong sector at mga stakeholders ay magkatuwang sa paghatid ng social amelioration program at seguridad para sa lahat ng mga apektadong sector lalong-lalo na ang mga maralita at mga lubos na nangangailangan.
2. Ano ang Social Amelioration Program (SAP)?
Ang Social Amelioration Program (SAP) ay isang pangangalagang panlipunang programa at hakbang ng iba’t ibang ahensya ngpamahalaan (inter-agency measure) upang makatulong na mapagaan ang epekto sa lipunan at kabuhayan ng krisis-pangkalusugan na COVID-19 at mga panuntunang ipinatutupad ng enhanced community quarantine (ECQ) (R.A. No. 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act” at JMC No. 1 Series of 2020).
3. Anu-anong ahensya ang nagpapatupad ng Social Amelioration Program (SAP)?
Kabilang sa mga ahensyang ito ay ang DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at Department of Finance (DOF) (Bayanihan Act at JMC No. 1 Series of 2020).
Katuwang o nagbibigay rin ng tulong ang Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpapatupad ng SAP.
4. Ano ang ibinibigay na ayuda ng DSWD sa ilalim ng SAP?
Ang Emergency Subsidy Program (ESP) ang tawag sa ayudang nasa ilalim ng SAP na ipinatutupad ng DSWD sa panahon ng ECQ sa pakikipagtulungan sa Local Government Units (LGUs) o mga lokal na pamahalaan mula panlalawigan hanggang sa barangay. (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1 at MC 9, Series of 2020, Section V).
5. Ano ang ayuda sa ilalim ng SAP-ESP?
Ito ay ang cash assistance o ayuda ng pamahalaan na tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya katulad ng pagkain, gamot at iba pa dulot ng ECQ upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at kalusugan laban sa banta ng COVID-19. Maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong pamilya ng mula P5,000 hanggang P8,000 depende sa kasalukuyang umiiral na regional wage rates (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1 at MC 9, Series of 2020, Section V).
6. Magkano ang cash assistance mula sa SAP-ESP?
Ang bawat kwalipikadong pamilya ay makakatanggap ng P5,000 hanggang P8,000. Ang halagang ito ay nakabatay sa minimum wage ng isang rehiyon (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1).
7. Ilang buwan o beses makakatangap ng ayuda mula sa SAP-ESP?
Dalawang buwan, o dalawang beses, makakatanggap ng ayuda ang mga kwalipikadong pamilya na nsa ilalim ng ECQ. Ito ay mula buwan ng Abril at Mayo 2020 (MC 9, Series of 2020).
BENEPISYARYO NG PROGRAMA
8. Lahat ba ng pamilya ay makakatanggap ng ESP?
Hindi. Ang ESP-SAP ay nilikha para sa mga low-income o mahihirap na pamilya na napapabilang sa informal sector at mga pamilyang may miyembro ng bulnerableng sektor (MC 9, Series of 2020, Section VI-A).
9. Ilang pamilya ba ang makakatangap ng ayuda mula sa SAP-ESP?
Nakasaad sa Bayanihan Act na 18 milyong low income na pamilya na pinaka-apektado ng ECQ ang bibigyan ng ayuda ng pamahalaan (Bayanihan Act, Section 4c)
10. Sinu-sino ang mga kwalipikadong makatanggap ng SAP-ESP?
Kwalipikado ang mga mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ. Sila dapat ay nasa impormal na sektor at nawalan ng pagkakakitaan dahil sa ECQ. Kwalipikado rin ang mga pamilyang nasa impormal na sektor na may miyembro na kabilang sa bulnerableng sektor gaya ng Senior Citizens, Persons with Disability (PWDs), Indigenous Peoples (IPs) atbp. Kwalipikado rin ang street dwellers o mga walang tirahan (MC 9, Series of 2020, Section VI-A).
11. Paano kung sa isang pamilya ay may senior citizen, PWD o buntis, lahat ba ay makakatanggap?
Hindi. Bawat kwalipikadong pamilya ay nasa P5,000 – P8,000 lang ang matatanggap na ayuda. Ang ayuda ay para sa pamilya at hindi para sa indibidwal.
12. Senior Citizen, PWD, solo parent o buntis ako, hindi ba ako kasali?
Pamilya ang ginagawang batayan ng assessment at hindi indibidwal. Dumulog sa inyong barangay o LGU, sabihin ang inyong kalagayan upang ma-assess ang inyong kwalipikasyon base sa itinakdang guidelines (MC 9, Series of 2020, Section VI-A, No. 3-d).
13. Nangungupahan lang kami. Hindi kami botante dito sa barangay namin. Hindi ba kami pwede?
Ang SAP ay program ng pambansang pamahalaan at pondo nito na inilaan para sa ESP ay mula rin sa pambansang pamahalaan at hindi ng LGUs. Hindi usapin dito kung saan ka naka-rehistro bilang botante. Usapin ito ng kung saan ka inabutan ng ECQ (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).
14. Maaari bang makita ang listahan ng mga makakatanggap ng SAP-ESP?
Naglabas ang DILG ng pahayag na dapat ipaskil o i-post ang mga pangalan ng kwalipikadong benepisyaryo ng SAP-ESP upang masiguro na transparent ang pagpapatupad ng programa. Maaaring magtanong ng listahan sa Barangay o sa LGU. Isinasaayos na din ng DSWD na mailagay sa webpage nito sa dswd.gov.ph ang link ng listahan ng mga nakatanggap na ng ayuda. (https://www.dilg.gov.ph/news/DILG-to-Punong-Barangays-Post-list-of-SAP-beneficiaries-in-barangay-hall-for-transparency/NC-2020-1100).
15. Lahat naman ay apektado, bakit pinipili niyo lang ang binibigyan ninyo?
Ang lahat ay apektado ng ECQ. Ang lahat ay nais tulungan ng pamahalaan ngunit ang pamamahagi ay base sa lebel ng pangangailangan. Kung kaya’t ang inyong pagbibigayan at labis na pang-unawa ay higit na kailangan sa panahon ngayon.
Ang SAP-ESP ay hindi lamang ang tanging ayuda ng pamahalaan. Ito ay tulong lamang ng pamahalaang pambansa sa LGUs. May iba pang programa at serbisyo ang barangay, LGUs at iba pang ahensya para sa lahat.
16. Kwalipikado naman ako (mahirap din ako), bakit hindi ako kasali?
Dalawa ang maaaring dahilan. Una, hindi ka kwalipikado sa DSWD ngunit kwalipikado ka sa mga programa ng ibang ahensya (halimbawa: “No work no pay” sa isang pribadong kumpanya, kung saan ang ayuda ay manggagaling sa DOLE). Pangalawa, napuno na ang paunang listahan ng mga kwalipikadong mga mahihirap na pamilya. Alinman sa dalawa ang dahilan, maaari kayong umapela sa inyong LGUs upang ma-assess ang inyong pangangailangan. Maaring i-rerefer kayo sa akmang ahensya o i-eendorso kayo sa DSWD (MC 9 Series of 2020, Section VII at Section XII).
17. Construction worker ako na na-stranded sa Maynila at nasa probinsya ang aking pamilya, kasali ba ako?
Hindi ka maaaring makatanggap ng SAP-ESP sapagkat ang assessment ng kwalipikasyon sa SAP ay per pamilya at hindi indibidwal. Maaari ring mabigyan ng SAP ang iyong pamilya sa probinsya kung saan ka nakatira kung sila ay kwalipikado.
Magkagayun man, may ibang serbisyo na maaring ibigay ang pamahalaan para sa mga stranded na construction workers sa katulad ng pagbibigay ng food packs, transportation assistance, atbp. (MC 9 Series of VI-A-l).
18. Maaari bang mabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng SAP-ESP ang mga tanod, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars at Day Care Workers?
Sila ay maaaring mapabilang sa mga maaaring ikunsidera ng lokal na pamahalaan para sa tulong pinansyal kung sila ay:
- Kabilang sa mahirap o impormal na sektor;
- Walang ibang pinagkukunan ng kabuhayan maliban sa pagiging boluntaryong trabahante ng barangay o lokal na pamahalaan, at;
- Sila lamang ang mag-isang taga-pagtaguyod ng pamilya.(Memorandum From the Secretary, dated April 17, 2020, regarding the Inclusion of BHWs, Tanods and BCWs as Target Beneficiaries of the Social Amelioration Programs; April 20 DSWD EXECOM meeting regarding the inclusion of BNS).
Memorandum From the Secretary, dated April 17, 2020, regarding the Inclusion of BHWs, Tanods and BCWs as Target Beneficiaries of the Social Amelioration Programs; April 20 DSWD EXECOM meeting regarding the inclusion of BNS).
19. Sinu sino ang mga hindi kabilang na kwalipikado sa SAP-ESP?
Ayon sa mga alituntunin na inilabas ng DSWD, ang mga sumusunod ay hindi kasama sa mga maaaring tumanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP-ESP:
- Mga halal at itinalagang mga opisyal at kawani ng gobyerno kahit ano man ang status ng kanilang employment (Permanent, Casual, Contractual, Cost of Service, Job Order);
- Mga empleyado sa Pribadong Sektor o nasa Formal Economy na maaaring sumasahod;
- Mga indibidwal na retired na at nakakatanggap ng pension (Gaano man kaliit o kalaki ang pensyon); at
- Mga indibidwal na may kapasidad na pinansyal upang masuportahan ang kanilang pamilya (MC 9 Series of 2020, Section VI-B).
20. Bakit hindi maaring makatanggap ng ng SAP-ESP kung empleyado ng pamahalaan?
Kahit may miyembro na nasa informal economy o bulnerableng sektor, sila ay hindi napapabilang sa higit na prioridad dahil patuloy ang kanilang sahod sa panahon ng ECQ (MC 9 Series of 2020, Section VI-B).
21. Bakit kasali sa ‘excluded’ sa SAP-ESP ang mga empleyado ng Pribadong Sektor o mga nasa Formal Economy kahit No work, No Pay?
Sila ay hindi kabilang sapagkat mayroon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na programang tinatawag na CAMP o COVID-19 Adjustment Measures Program na naglalayong magbigay ng pinansiyal na tulong sa mga nagtatrabaho sa pribadong sektor na may reduction o walang kita dahil sa ECQ (DOLE Department Order No. 209 Series of 2020 at MC 9, Series of 2020, Section VII).
Sa kabilang banda, ang SAP-ESP naman ay naglalayong tulungan ang mga nasa impormal na sektor at makokonsiderang poorest of the poor (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).
PROSESO NG PROGRAMA
22. Paano makakarating ang SAP-ESP sa mga hindi benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps)?
- Inilipat ng DBM ang paunang pondo sa DSWD;
- Ibinaba ng DSWD Central Office ang pondo sa DSWD Field Offices (NCR, CAR, I-XII, CARAGA);
- Ibinaba ng DSWD Field Offices ang pondo sa LGUs; at panghuli
- Ang LGUs ang magsasagawa ng distribusyon ng ayuda sa mga kwalipikadong low-income na pamilya na pinakaapektado ng ECQ.
23. Paano makakarating ang SAP-ESP sa mga napapabilang sa 4Ps, sa mga drayber ng TNVS at PUVs, at sa mga kwalipikadong pamilya sa BARMM?
- Inilipat ng DBM ang paunang pondo sa DSWD;
- Ibinaba ng DSWD Central Office ang pondo sa:
- Landbank diresto sa cash card ng mga benepisyaryo ng 4Ps;
- Landbank para iproseso ang pagbibigay sa mga TNVS at PUV drivers sa pangangasiwa ng DOT; at sa
- BARMM upang diretsong maipamahagi sa mga kwalipikadong pamilya sa nasasakupan nito (MC 5, Series of 2020; MC 9, Series of 2020, Section VIII B).
24. Ano ang mga mahahalagang tungkulin ng DSWD at LGU sa distribusyon ng SAP-ESP?
- Ang LGU ang nagsasagawa ng distribusyon ng ayuda sa mga kwalipikadong low-income na pamilya na pinaka-apaketado ng ECQ; at
- Ang DSWD ay magsusuri o magsasagawa ng tinatawag na validation sa loob ng labing-limang araw matapos ang pamamahagi ng ayuda ng LGUs upang matiyak kung karapat-dapat ang mga nabigyan ng ayuda o hindi higit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilyang nabigyan ng ayuda.
25. Paano at saan ipamimigay ang SAP-ESP para sa mga hindi napapabilang sa 4Ps?
- Para sa mga non-4Ps na pamilya, ang implementasyon ng DSWD sa SAP-ESP ay sa pamamagitan ng LGUs;
- Ang katuwang na LGUs ang magbibigay ng Social Amelioration Program Cash grant sa mga kwalipikadong pamilya;
- Ito ay sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay o sa stratehiya ng local na pamahalaan, na may ibayong pagsunod sa mga patakaran ukol sa pagsusuot ng mask, paggamit ng alcohol at pagobserba sa itinakdang social distancing.
26. Sino ang gagawa ng listahan ng mga benepisyaryo ng ESP?
Ang LGUs ang gagawa ng listahan ng mga benepisyaryo base sa kanilang assessment ng mga pamilyang kwalipikado sa programa. Bagamat nagbibigay ang DSWD ng listahan ng mga mahihirap hango sa listahan ng mga Tahanang Nangangailangan o Listahanan database ng ahensya, ito ay batayan lamang ng mga posibleng benepisyaryo na isasailalim pa din sa hiwalay na pagsusuri ng LGUs (MC 7, Series of 2020, Section C at MC 8, Series of 2020).
27. Bakit nilagpasan kami ng naglilista?
Marahil base sa rapid assessment nila, kayo ay hindi kwalipikado. Kung sa tingin ninyo ay mali sila, dumulog sa tanggapan ng konseho ng barangay o sa LGU at sabihin ang inyong kalagayan upang kayo ay ma-assess (MC 9 Series of 2020, Section XII).
28. Gaano katagal ang pag-a-assess ng mga LGUs at Barangay?
Depende sa bilang ng mga naninirahan sa barangay at depende na rin sa kooperasyon ng mga mamamayan.
29. Paano ko matatanggap ang ayuda?
Dalawang paraan ang pwedeng piliin ng LGUs: una ang Direct Pay-out o House-to-house at distribution point pay-out scheme. Kung Direct Pay-out, manatili sa inyong bahay dahil ang itinalagang pinuno, taga-pagtala o distribution team ang pupunta sa inyo. Kung distribution point, manatili sa inyong bahay, bibigyan kayo ng itinalagang pinuno, taga-pagtala o distribution team ng hudyat kung anong oras kayo naka-schedule na pumunta sa itinakdang distribution area. Bawal pumunta ng mas maaga sa itinakdang oras. Anumang paglabag sa social distancing ay magiging sanhi ng pagkahinto ng SAP-ESP distribution (MC 9 Series of 2020, Section VIII).
30. Kailan ko matatanggap ang ayuda?
Ang pondo para sa ayuda ay naibaba na ng DSWD sa LGUs. Ang LGUs naman ay nagsimula nang mamahagi ng ESP kada barangay kasama ang DSWD at PNP/AFP. Ang itinalagang pinuno, taga-pagtala o distribution team sa inyong barangay ang magsasabi sa bawat kwalipikadong pamilya ng iskedyul ng pagbibigay ng ayuda (MC 9, Series of 2020, Section VIII.B).
31. Kung kasali ako, paano ko malalaman kung kailan ang pamamahagi ng SAP-ESP?
Magbibigay ng pabatid o impormasyon ang konseho ng barangay ninyo o mga itinalagang assessors sa inyong barangay (MC 9 Series of 2020, Section X).
32. Bakit ang tagal dumating ng ayuda?
Nanghihingi kami ng pang-unawa at pasensya sapagkat limitado ang manpower ng pambansa at mga lokal na pamahalaan na nagtutulong tulong upang ibigay sa libo at daang-libong mga mamamayan ng isang lungsod o munisipalidad.
33. Mayroon bang ginawang hakbang upang mapapabilis ang proseso ng pagbibigay ng ayuda?
Naglabas ang DSWD ng Omnibus Guidelines na nagsasaad na ang paglilista ay gagawin ng LGUs bilang basehan ng payroll. Bukod dito, ang LGUs kabilang ang mga barangay ay may mga kanya-kanyang listahan ng kanilang mga nasasakupan na maaari nilang magamit upang mas mapabilis ang pagsasapinal ng listahan ng dapat makatanggap ng ayuda.
34. Ilang beses makakatanggap ng ayuda?
Dalawang beses. Ang pagbabahagi ay buwanan mula Abril hanggang Mayo taong 2020 para sa mga kwalipikadong pamilya na nasa ilalim ng ECQ. (MC 9 Series of 2020, Section IV – D).
35. Pwede bang hatiin ang ayuda para mas marami ang mabigyan?
Hindi pinapayagan ng batas ang paghahati sa ayuda. Ang halaga ng ayuda ay base sa minimum wage ng isang manggagawa sa rehiyon. Ito ay maaaring kulang o sasapat lamang sa pangunahing pangangailangan ng isang mahirap na pamilya. Isumbong sa DILG ang sapilitang paghahati o pagbabawas ng ayuda (MC 9 Series of 2020, Section IV – D).
36. Paano kung wala ako na maipakita na ID sa panahon ng pagsasagawa ng payout o distribusyon ng ayuda?
Maliban sa ID, maaaring mag-isyu ang punong barangay ng sertipikasyon o patunay na ang tatanggap ng ayuda ay residente ng kaniyang barangay at nangangailangan ng ayuda dahil lubos na naapektuhan ng ECQ (MC 9 Series of 2020, Section VII-A1).
SOCIAL AMELIORATION CARD (SAC)
37. Ano and SAC Form?
Ito ay isang form na may barcode at serial number na pinamamahagi sa mga barangay upang makuha ang profile ng mga pamilya at mamonitor ang pagbibigay ng ayuda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ilalim na SAP.
38. Mayroong binigay sa akin na form pero photocopy lamang. Tama ba ito?
Hindi. Tanging ang Barcoded SAC Form lang ang maituturing na katanggap-tanggap o valid sapagkat ito ay may unique barcode (MC 9 Series of 2020, Section IV-H).
39. Kada isang pamilya o bahay ba ay mabibigyan ng SAC form?
Hindi lahat ay bibigyan ng SAC. Ang bibigyan lang ay mga pamilya na may miyembro na Informal Economy Worker o napapabilang sa bulnerableng sektor at bibigyan ng prayoridad ang mga maliit ang kita at pinaka-apektado ng krisis (MC 9 Series of 2020, Section C).
40. Paano kung sa isang bahay, dalawang pamilya kami?
Kada-pamilya ang bilangan – hindi kada-indibidwal. Ngunit ang (mga) kwalipikadong pamilya lamang ang mabibigyan ng Social Amelioration Card (SAC) (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).
41. Paano kung nabigyan ka ng SAC form ngunit hindi ka kwalipikado sa ayuda?
Maaaring ibalik ang SAC form sa inyong Barangay o sa LGU kung ikaw man ay nakatanggap ngunit sa tingin mo ay hindi kwalipikado ang iyong pamilya dahil:
- hindi kayo maituturing na low-income family na kabilang sa impormal na sektor;
- ang inyong kabahayan ay mayroong miyembro ng 4Ps;
- ang kahit isa sa miyembro ng niyong pamilya ay nakatanggap na ng ibang ayuda mula sa programa ng ibang ahensya ng gobyerno; at
- dahil sa iba pang kadahilanan (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).
42. Maari bang mag-apply sa DSWD para maisama sa lista sa makakatanggap ng SAP-ESP?
Hindi kailangan mag apply para makakuha ng SAP-ESP. Ang mga kawani ng mga barangay ang mismo mag-iikot para mag-lista at mamahagi ng SAC sa mga kwalipikadong mga pamilya.
BALIDASYON NG MGA TUMANGGAP NG AYUDA
43. Meron bang ginagawang balidasyon and DSWD upang matiyak na kwalipikado ang pamilya at hindi ba nakakabagal ito sa proseso ng pagbibigay ng ayuda?
Ang ginagawang balidasyon ng DSWD ay pagkatapos matanggap ng pamilya ang ayuda o ang “payout now, validation later” kung kaya hindi makakabagal ang balidasyon na gagawin dahil tapos na ang pagbibigay ng ayuda para sa unang buwan (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).
44. Ano ang layunin ng balidasyon ng DSWD kung tapos na ang papagbibigay ng ayuda?
Ang balidasyon na gagawin matapos ang pagbibigay ng ayuda ay naglalayong suriin kung karapat-dapat ang benepisyaryo o walang duplikasyon o hindi hihigit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilya mula sa DSWD at sa ibang pang ahensya na inatasang magpatupad ng hiwalay na tulong sa ilalim ng SAP (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).
45. Paano kung makitang hindi karapat dapat o may duplikasyon sa subsidiya?
- Magkakaroon ng imbestigasyon upang mapag-aralan ang karampatang aksyon; at
- Hindi na muling makakatanggap sa susunod na payout (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).
PROSESO PARA SA HINAING SA PROGRAMA
46. Paano kung sa aking palagay ay kwalipikado ako sa programa ngunit di ako nakasama, ano ang gagawin?
Ang mga pamilyang hindi kabilang sa diskwalipikadong pamilya na hindi napabilang sa mga nakatanggap ng ayuda sa anumang kadahilanan ay mayroong tatlong araw (calendar days) mula sa distribusyon ng subsidiya sa barangay upang manghingi ng rekonsiderasyon sa Provincial/City/Municipal Social Welfare Development Office (P/C/MSWDO) upang maibilang sila sa listahan ng mga kwalipikadong pamilya. Ang mga tanggapan ng P/C/MSWDOs ay maaaring nasa kapitolyo ng mga pamahalaang panlalawigan, lungsod at munisipalidad sapagkat ay mga ito ay nasa ilalim ng mga lokal na pamahalaan at hindi sa DSWD (MC 9 Series of 2020, Section XII).
47. Kung hindi ka kasamang nabigyan ng ayuda sa pamamagitan ng SAP-ESP, may maaasahan ka pa bang tulong mula sa pamahalaan?
Kung sa tingin ng LGUs ay mayroong naiwan na mga karapat-dapat na mapabilang sa programa (o tinatawag na left out beneficiaries o families), maaaring ilista ang mga pamilya para ma-endorso sa DOF at DBM upang mapag-aralan kung paano mabibigyan ng kaukulang pondo.
48. Paano ang gagawin sa mga nakalista na hindi kwalipikado
Kung tapos na ang distribusyon ng ayuda, hindi na sila muling makakatanggap sa susunod na payout. Nakasaad din sa Memorandum of Agreement (MOA) ng DSWD at LGUs na kung may mga hindi kwalipikadong pamilya na nabigyan ng ayuda, kailangang ibalik ng LGUs ang ayudang nauna ng naibigay (MC 9, Section VIII (B), No. 6.1).
49. Ano ang mga parusahang ipapataw sa mga kawani ng barangay na inuuna sa pagbibigay ng ayuda ang kanilang pamilya, kamag-anak, kapitbahay o kaalyado na hindi naman kwalipikado?
Maari silang sampahan ng administratibo, sibil at criminal na mga kaso, at pwede ding matanggal sa posisyon (Bayanihan Act, Section 6).
50. Kung may iba pa akong katanungan, saan ako maaaring dumulog o tumawag?
Maaari rin kayong tumawag sa DSWD Central Office- Operations Center sa 24/7 hotline na numero 16545 o mag-email sa sapgrievance@dswd.gov.ph. Maari ring tumawag/mag-text/sumangguni sa DSWD Field Office na nakakasakop sa inyong lugar.
PANGALAWANG BAHAGI NG SAP (SECOND TRANCHE)
1. Sino-sino ang maaring makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda (2nd tranche) sa ilalim ng SAP na ipinatutupad ng DSWD?
Maari lamang makatanggap ng pangalawang bahagi ayuda kung:
a. Kabilang sa nabigyan ng ayuda sa unang bahagi ng programa at
- Base sa balidasyon na ginawa ng DSWD, ikaw ay (i) kabilang sa mga
kwalipikadong pamilya sa programa, at (ii) walang duplikasyon sa pagbibigay
ng ayuda mula sa iba pang ibang ahensya ng pamahalaan (MC 9 Series of 2020,
Section VIIIB6), at - Ang iyong lugar ay kabilang sa naitalagang bibigyan ng pangalawang bahagi ng
ayuda base sa kasulatan galing sa tanggapan ng pangulo.
- Base sa balidasyon na ginawa ng DSWD, ikaw ay (i) kabilang sa mga
b. Kabilang sa karagdagang 5 milyong benepisyaryo ng SAP (waitlisted o leftout) base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD at alinsunod sa magiging alituntunin patungkol sa nasabing karagdagang benepisyaryo.
2. Anu-ano ang mga lugar na kasama sa makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda (2nd tranche)?
a. Mga lugar na kabilang sa nabigyan sa unang bahagi ng ayuda kabilang ang mga sumusunod:
- NCR; Region III (except Aurora); Region IV-A; Benguet; Pangasinan; Iloilo; Cebu
Province; Bacolod City; at Davao City (base sa ECQ Areas per EO No. 112, S. 2020
dated 01 May 2020) - Albay Province; at Zamboanga City (base sa ECQ Areas per Memo of Executive
Secretary dated 02 May 2020)
- NCR; Region III (except Aurora); Region IV-A; Benguet; Pangasinan; Iloilo; Cebu
b. Mga lugar o rehiyon na nagsumite ng karagdangang listahan may kwalipikadong benebisyaryo na kabilang sa karagdagang 5 Milyong benepisyaryo ng SAP (waitlisted o leftout)
3. Ilang pamilya ang inaasahang makatatanggap ng pangalawang bahagi ng pamimigay ayuda (2nd tranche)?
Tinatayang nasa 13.5 milyong pamilya ang makatatanggap sa second tranche kabilang ang mga sumusunod:
a. 8.5 milyong pamilya na kabilang sa 18 milyon na naunang nabigyan ng ayuda; at
b. 5 milyong pamilya na kabilang sa karagdagang benepisyaryo mula sa lahat ng rehiyon.
4. Kailan magsisimula ang SAP second tranche?
Inaasahang magsisimula ang pamimigay ng second tranche sa Hunyo pagkatapos maisagawa ang mga sumusunod:
a. Pagsusumite ng lokal na pamahalaan ng listahan ng mga nakatanggap ng ayuda sa first tranche at listahan ng mga karagdagang kwalipikadong pamilya ng benepisyaryo; at
b. Pagsasagawa ng balidasyon ng DSWD kung ang mga nakatanggap ng ayuda at karagdagang maaring tumanggap ng ayuda ay karapat dapat base sa itinalagang alintuntunin at hindi tumanggap ng iba pang ayuda mula sa ibang ahensya ng pamahalaan.
5. Sa lugar lamang ba na nasa ilalim ng ECQ ang mabibigyan ng ikalawang bugso ng ayuda?
Base sa “Bayanihan to Heal as One Act” at sa mga umiirial na panuntunan, ang pagbibigay ng ayuda ay para sa mga kwalipikadong pamilya na nasa ilalim ng ECQ. (Republic Act No. 11469; MC 9, Series of 2020).
Inanunsyo rin ng tagapagsalita ng Pangulo na ang mga kwalipikadong pamilya lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ang mabibigyan ng ikalawang bugso o bahagi ng SAP.
Inaantabayanan lamang ng DSWD ang opisyal na kasulatan patungkol dito (May virtual presser).
6. Anong ahensya ng pamahalan ang mamahagi ng pangalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP?
Ang DSWD katuwang ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mamamahagi ng pangalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP alinsunod sa kutusan ng Pangulo.
7. Saan gagamitin ang ayuda na isinauli mula sa mga hindi kwalipikadong pamilya na nakatanggap ng first tranche?
Ang mga isinauling pera ay gagamitin o ipapamahagi para sa mga kwalipikadong pamilya sa second tranche.
8. Ang sabi ng LGU, sa DSWD daw nanggaling ang listahan ng mga beneficiaries kaya madami ang hindi nakasama. Totoo ba ito?
Hindi, ang LGUs ang gumagawa ng listahan ng mga benepisyaryo base sa kanilang assessment ng mga pamilyang kwalipikado sa programa.
Bagamat nagbibigay ang DSWD ng listahan ng mga mahihirap hango sa listahan ng mga Tahanang Nangangailangan o Listahanan database
ng ahensya, ito ay batayan lamang ng mga posibleng benepisyaryo na isasailalim pa din sa hiwalay na pagsusuri ng LGUs (MC 7, Series of 2020, Section C at MC 8, Series of 2020).
9. Awtomatiko bang makatatanggap sa second tranche ng ayuda kung kasama na sa naisumiteng listahan ng lokal na pahalaan sa DSWD Field Office?
Hindi, magkakaroon pa muna ng balidasyon kung kwalipikado ang mga nasa listahan na naisumite ng lokal na pamahalaan.
10. Paano malalaman na hindi kwalipikado sa ayuda ang mga naisumiteng pangalan ng pamahalaang lokal para sa wailisted/left out/additional na benepisyaryo?
Maglalathala ang barangay ng listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng SAP (MC 9 Series of 2020, Section X). Maari ding lumapit at magtanong sa Provincial/City/Municipal Social Welfare Development Office (P/C/MSWDO) na silang nagsumite ng listahan sa DSWD
para sa wailisted/lestout/additional na benepisyaryo.
11. Kung nakabalik na sa kanilang bayan o lugar ang mga dating na stranded, makakakuha pa din ba sila ng ayuda?
Maaaring mapabilang sa bibigyan ng ayuda para sa second tranche kung mapatunayan na kasama ang pamilya nito sa kwalipikadong pamilya sa ilalim ng programa na hindi napabilang (left-out o waitlisted) sa unang bugso ng ayuda. Ang assessment ng kwalipikasyon sa SAP ay per pamilya at hindi indibidwal.
12. Requirement po ba ang SAC sa 2nd tranche? Paano kung kinuha ng barangay ang kopya ko?
Kailangan po ang SAC upang makapagrehistro sa ReliefAgad app na isa sa mga pamamaraan upang makakuha ng second tranche para sa mga kwalipikadong pamilya. Mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan para sa kopya ng inyong SAC form 5 MILYONG KARAGDAGANG BENEPISYARYO NG SAP
13. Paano ang mga kwalipikadong pamilyang hindi nakama sa first trache ng SAP?
Makakasama sa second tranche ang mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa first tranche ng SAP (waitlisted/leftout/additional beneficiaries) base sa isinumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD.
14. Ano ang basehan sa 5 milyong karagdagang benepisyaryo na makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP?
Ang karagdagang benepisyaryo ay base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD. Matatandaan na nagkaroon ng Appeal System ang DSWD kung saan inatasang magpasa ang lokal na pamahalaan ng listahan ng mga wailisted/lleft out o mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa mga naunang nabigyan ng SAP sa kanilang mga lugar. Ang listahan na ito ay maaring gamitin para sa pagbibigay ng ayuda para sa karagdagang 5 milyon na pamilya.
15. Ilang buwan ang matatanggap na ayuda ng 5 milyong karagdagang benepisyaryo sa ilalim ng SAP?
a. Nasa 3.5 milyon sa 5 milyong benepisyaryo ay makatanggap ng ayuda na katumbas ng dalawang buwan (P5,000 – 8,000 x 2 months). Sila ang mga benepisyaryo na kabilang sa ECQ areas alinsunod sa EO No. 112, S. 2020 dated 01 May 2020 at Memo of
Executive Secretary dated 02 May 2020.
b. Ang natitirang 1.5 milyon ay makatatanggap ng ayuda na katumbas ng isang buwan
(P5,000 – P8,000).
BALIDASYON NG BENEPISYARYO NG SAP
16. Hindi ba mag-re-resulta sa pagka-antala ng pag-release ng 2nd tranche ang ginagawang proseso ng validation?
Hindi. Ang kasalukuyang ginagawang alituntunin ang DSWD at ang paggamit ng teknolohiya sa pamamagitan ng ReliefAgad app ay naglalayon na mapabilis ang ginagawang validation upang hindi makaantala sa pagmimigay ng ikalawang bugso ng ayuda.
17. Ano ang sinusuri sa balidasyon na isinasagawa ng DSWD sa mga nakatanggap ng ayuda sa first tranche?
Ang balidasyon na ginagawa ay upang suriin
(i) kung karapat-dapat ang benepisyaryo at
(ii) kung walang duplikasyon o hindi hihigit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilya mula sa DSWD at sa ibang pang ahensya na inatasang magpatupad ng hiwalay na tulong sa ilalim ng SAP (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).
18. Paano gagawin ang balidasyon sa mga nakatangap ng ayuda kung sila ay kwalipikado sa programa (validation as to elegibility)?
Ang balidasyon ay gagawin sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na pamamaraan:
a. Physical validation o pagpunta sa bahay bahay ng mga nakatanggap ng ayuda;
b. Remote validation o pagsasagawa ng balidasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa
cellphone, pag-email, o iba pang pamamaraan na hindi kailangang magpunta sa bahay
bahay;
c. Computer algorithm o gamit ang computer program ay susurin ang mga binigay na
impormasyon ng benepisyaryo sa SAC form; o
d. Iba pang mabilis at mabisang pamamaraan ng balidasyon.
19. Paano ang gagawing balidasyon upang masuri kung hindi higit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilya mula sa DSWD at sa ibang pang ahensya (validation as to duplication of subsidy received)?
Mabibigay sa DSWD ang listahan ng nakatangap ng ayuda mula sa SSS, DOLE, DA, LTRFB at iba pang ahensya at ang listahan mula sa mga lokal na mapahalaan. Magkakaroon ng matching ng mga pangalan upang masuri kung nakataggap ng ayuda mula higit na isang ahenysa.
Ang mga benepisyaryong nakitang nakatanggap ng ayuda sa higit na isang ahensya ay hindi na muling makakatangap ng second tranche ng ayuda kung sakaling ang kanilang lugar ay kabilang sa naitalagang bibigyan ng pangalawang bahagi ng ayuda alinsunod sa opisyal na kasulatan na ilalabas ng Pangulo.
20. Paano ang gagawin sa mga benepisyaryo na nadiskubre na higit sa isang beses ang natanggap na ayuda?
Kailangang ibalik ang ayuda sa kanilang pamahalaang lokal. Posible din na mabigyan ng demand letter ang mga benepisyaryo na nagsasaad na kailangan nilang ibalik ang nakuhang ayuda (May 21, DSWD Virtual Presser).
21. Paano kung ang mga 4Ps beneficiaries ay nakatanggap din ng SAP?
Ang mga benepisyaryo ng 4Ps na muling nakatanggap ng SAP ay magkakaroon ng adjustment sa kanilang buwanang cash grant mula sa regular na implementasyon ng 4Ps. Ang mga 4Ps beneficiaries ay kasama sa mga benepisyaryo ng emergency cash subsidy sa ilalim ng SAP.
Nakatanggap na sila ng ayuda na nagkaka-halaga ng P3,650 to P6,650 na karagdagang halaga sa tinatanggap na buwanang cash grant.
IMPLEMENTASYON NG SAP NG IBA’T IBANG AHENSYA NG PAMAHALAAN
22. Maari bang makasama sa mabibigyan ng DSWD SAP ang mga empleyado na nadisqualify sa DOLE CAMP?
Hindi. Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa 18 milyong mahihirap na pamilyang pinakanaapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor at nawalan ng pagkakakitaan dahil sa ECQ.
Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.
23. Kailangan ba ibalik ang ayuda kung nakatanggap ang benepisyaryo sa SSS matapos naibigay ang naunang ayuda sa ilalim ng DSWD-SAP?
Kailangang ibalik ang ayuda sa kanilang pamahalaang lokal. Humingi lamang ng acknowledgement receipt bilang patunay ng pagbabalik ng ayuda. Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor. Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.
Magpapalabas ang mga concerned agencies ng demand letter kung mapag-alaman na ang isang pamilya ay tumanggap ng doble at hindi sinauli ang ibang ayudang natanggap (May 21, DSWD Virtual Presser).
24. Ano po ba ang mangyayari kung nakatanggap ng SAP at nakatanggap pa rin sa DOLE?
Kailangang ibalik ang ayuda sa kanilang pamahalaang lokal. Humingi lamang ng acknowledgement receipt bilang patunay ng pagbabalik ng ayuda. Hindi maaring magkaroon ng duplikasyon sa pagbibigay ng ayuda. Ang DSWD ay magsasagawa ng balidasyon upang tukuyin ang eligibility ng mga benepisyaryo at ang pag-uulit o duplikasyon ng naibigay na benepisyo.
Kasama sa mga pamilya na hindi kabilang sa mga tatanggap ng SAP cash subsidy ang may mga miyembro na empleyado sa pribadong sektor, o silang mga nasa pormal na ekonomiya. Ang DOLE ay nagpapatupad ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa
empleyadong ito na apektado ng krisis. Kaya naman, hindi na sila kabilang sa SAP (April 28, DSWD Virtual Presser).
25. Maari bang ang ayuda mula sa ibang ahensya ang ibabalik imbis na ang natanggap na ayuda mula sa DSWD?
Hindi. Kailangang ang ayuda mula sa DSWD ang ibalik. Ang pagtanggap ng ayuda mula sa ibang ahensya katulad ng SSS o DOLE ay nagpapatunay lamang na nasa pormal na sektor ang nakatanggap kung kaya naman hindi sya kabilang sa eligible na makatanggap ng ayuda mula sa DSWD.
Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor. Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang
mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.
IBANG KATANUNGAN O HINAING PATUNGKOL SA SAP
26. Ano ang ginagawa ng DSWD sa mga reports ng iregularidad sa pag-identify ng mga benepisyaryo ng SAP?
Ang DSWD ay titiyaking may angkop na pagsangguni at pag-uulat sa kinauukulang opisina katulad ng DILG para sa balidasyon at/o imbestigasyon ng mga kaso ng iregularidad sa pagidentify ng mga benepisyaryo. Alinsunod ito sa Grievance Redress System na binuo tugon sa iba’t ibang uri ng reklamo.
27. Maaari bang imbestigahan ng DSWD ang mga anomalya sa pamimigay ng SAP involving local social welfare and development officers at mga local officials na pinili ang mabibigyan ng ayuda base sa kanilang “kakilala” at sa “padrino system”?
Hindi. Walang awtoridad ang DSWD sa mga local social welfare and development officers at iba pang lokal officials na mga empleyado ng lokal na pamahalaan.
Magkagayunman, anumang reklamo patungkol sa mga LGU officials at employees ay ipapahatid ng DSWD sa DILG para sa karampatang aksyon.
Source: dswd.gov.ph

Hi, I’m Marie! I am a Certified Public Accountant by profession with an MBA Degree. A Tax Maven. I have worked with the country’s premier tax collecting agency for years. If you have any tax-related Qs, shoot away and I will answer you in a jiff!)