Last Updated on June 24, 2023 by Marie Bautista

Sa bawat barangay at sa bawat kanto, halos laging may sari-sari store. Mapa-probinsya man o
siyudad, siguradong patok na negosyo ang sari-sari store!
Nag-iisip ka na bang magbukas ng sarili mong sari-sari store?
Mula sa mga products for Sari Sari Store at iba pang mahalagang paalaala, ito ang mga bagay na dapat mong tandaan para sa isang patok na convenience store business!
Ano ang sari-sari store?

Convenience stores o sari-sari store ay mga tindahan na karaniwan ay nasa bawat sulok sa Pilipinas.
Isa ito sa mga pinaka-madali at abot-kayang paraan para kumita sa bahay.
Karamihan sa mga nagsisimula ng sari-sari store ay mga maybahay o stay-at-home parents na naghahanap ng pandagdag sa araw-araw na kabuhayan.
What makes sari-sari store an accessible livelihood option ay maliit na puhunan lamang ang
kailangan para magbukas nito!
Paano ako makakapagbukas ng sari-sari store?
1.Pumili ng lokasyon

Mahalagang i-assess kung maganda ba ang lokasyon ng iyong bahay para sa isang sari-sari store. Ilan sa mga magandang lokasyon ay kung ikaw ay malapit sa paaralan, transport terminal, plaza, o iba pang mataong lugar.
Kung wala naman sa mga lugar na ito, mahalagang tingnan kung may iba pang kalapit na sari-sari store.
2.Bumili ng pangunahing paninda
Ang kagandahan ng pagsisimula ng sari-sari store ay hindi mo kailangan ng malaking kapital para rito! Ang karaniwang recommended na puhunan ay hindi bababa sa P5,000.
Mahalaga rin na tingnan kung ano ang mga pangunahin na pangangailangan sa lokasyon ng iyong sari-sari store.
Halimbawa, mahalaga na mag-stock ng ballpen at papel kung malapit sa school zone. Kung ikaw naman ay nasa residential area, laging mag stock ng shampoo, sabon, at iba pang immediate needs.
3.Maghanap ng local supplier
Isa sa mga hinahanap ng mga customer sa sari-sari store ay kung gaano kamura at abot-kaya ang mga presyo nito. Mahihirapan na makipagsabayan sa presyo ng ibang sari-sari store kung ikaw ay kukuha ng iyong supplies sa malls at groceries.
Maaari kang makahanap ng mas murang supplier ng basic goods, soft drinks, at iba pang commodities sa iyong lokal na palengke.
4.Kumuha ng permit
Avoid hassle and issues along the way by making sure that your business is legal.
Huwag mag-alala, madali at mabilis lang ang proseso ng pagkuha ng permit na kailangan sa sari-sari store. Ilan sa mga papeles na kailangan mong asikasuhin ay Barangay Clearance at Business Permit mula sa inyong munisipyo.
5.Magsimulang mag-marketing
Bago pa man magbukas ang iyong tindahan ay hikayatin na ang iyong possible customers!
Siguraduhin na alam ng iyong mga kapitbahay na ikaw ay magbubukas ng sari-sari store. Maaari rin tong gawing opportunity para malaman kung anong mga produkto o brand ang karaniwan nilang ginagamit.
Paano magimprove ng sari-sari store?

1.Magtinda ng merienda at palamig
Isa sa pinaka-patok sa mga customer ay ang mga traditional Filipino merienda tulad ng
fishballs, kwek-kwek, at gulaman. Lalo na kung ikaw ay malapit sa mga lugar na
maraming foot traffic (tulad ng simbahan, paaralan, at terminals), malaking hatak para
sa iyong possible market ang street food at iba pang merienda.
2.Mag-offer ng Online Bills Payment
Put the convenience in your convenience store by offering online bills payment!
Marami sa mga Pilipino ang gumagamit ngayon ng mga E-wallet tulad ng GCash, Paymaya, at
iba pang platform. Madalas silang maghanap ng mga tindahan or convenient outlets para mag cash-in at mag cash-out sa mga wallets na ito.
3.Mag-adjust ng store hours
Mahalaga na i-adjust ang iyong store hours ayon sa habits ng mga possible customer mo.
Kung malapit sa simbahan at paaralan, mas maganda kung kaya mong magbukas ng maaga para umabot sa morning rush at agahan.
Kadalasan naman sa mga residential area sa siyudad ay naghahanap ang mga tao ng mga tindahan na bukas sa gabi.
4.Tingi your way to success!
Alam mo ba na mas effective na mag offer ng “tingi-tingi” or sachet ng mga products kumpara sa mga bigger packages?
Oo! Karamihan ng mga buyer sa sari-sari store ay naghahanap ng mas affordable at smaller sizes ng mga produkto. Mas madali ring lagyan ng “patong” or “tubo” ang mga tingi-sized na produkto.
Handa ka na bang magbukas ng iyong sari-sari store? Tandaan, Ito ay Maaaring Magsimula sa
Sarili, sipag at tiyaga lang ang kailangan para simulan ang iyong sari-sari store negosyo!